Oh! masayang araw ngayon Pagpuri sa Panginoon; Kagalaka'y isalubong Sa lahat ng may linggatong.
REFRAIN
Oh! masayang araw! salako ay nahugasan! Ako'y Kanyang tinuruang dumalangin gabi't araw Sa puso'y magtaglay ng tuwa'y kapayapaan!
Dakilang gawa'y ganap na, Kanya ako't akin Siya; Samalugod N'yang anyaya Magalak na lumapit ka.
Hapong puso'y magpahinga Sa sala'y pakikibaka; Sumanib ka sa ligaya Kay Jesus ay makisama.
Panambitan na taimtim Araw-araw S'ya ang daing; Idudulog ang hinaing Nang pagpapala ay kamtin.
Kung ang langit ay masapit, At magwakas ang lakbayin Kasama ng Panginoon Sa tahanang walang maliw.